APHR, hinihiling ang paglaya ni Senator De Lima
Nanawagan ang ilang matataas na opisyal ng ASEAN Parliaments for Human Rights (APHR) na palayain sa pagkakakulong si Senadora Leila De lima dahil sa kasong may kinalaman sa droga.
Ayon sa APHR, politically motivated daw kasi ang kaso ni De Lima at nadiin lamang sya dahil naging matinding kritiko sIya ng war on drugs ng administrasyon.
Paliwanag ni APHR Chairperson Charles Santiago, isang araw bago ang kaarawan ng senadora, ang pagtindig ni De lima sa isyu ng human rights violations ay dapat na hangaan at hindi dapat parusahan.
Sinabi niya rin nagdudulot ito ng chilling effect sa mga kalaban sa pulitika at mga pumupuna sa hindi tamang sistema.
Bukas magdidiwang si De Lima ng kanyang ika-58 na kaarawan at ito ang unang pagkakataon na magdidiwang siya ng kaarawan sa kulungan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.