DOLE: Pagpapasuot ng “high heels” sa mga babaeng empleyado, bawal na

Nilagdaan na ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang department order na nagbabawal sa mga business establishments na pagsuotin ng sapatos na may mataas na takong ang mga babaeng empleyado nito.

Ayon kay Bello, hindi na maaaring pagsuotin ng employer ang kanilang babaeng empleyado ng mga sapatos na masikip ang dulo at may matulis na takong, at ang pwede lamang ay iyong may taas na one inch.

Inoobliga rin ng nasabing department order na magkaroon ng sitting breaks ang mga establishment business para sa kanilang mga empleyado.

Ipapatupad ang department order makalipas ang labinlimang araw matapos nitong lumabas sa mga pahayagan.

Haharap sa parusa ang sinumang employer na lalabag sa naturang patakaran.

Read more...