Texas, kasalukuyang binabayo ng Hurricane Harvey

By Rhommel Balasbas August 26, 2017 - 05:04 AM

Kasalukuyang hinahagupit ng Category 3 Hurricane Harvey ang Texas na ayon sa mga eksperto ay maituturing na isang major hurricane.

Aabot ang hanging taglay ni Hurricane Harvey sa 111 miles per hour at inaasahang maglalandfall sa Corpus Christi Sabado ng umaga.

Tinatayang 1.5 milyong katao ang maaapektuhan sa ilalim ng hurricane warning samantalang 16 na milyon naman sa tropical storm warning ayon sa National Weather Service.

Nagbabala ang weather service na ang lakas na ulan at hanging dala ng bagyo ay maaaring maging sanhi upang maging “uninhabitable” ang lugar sa loob ng ilang linggo at maaring umabot pa ng isang buwan.

Inilarawan ni Federal Emergency Management Agency Director Brock Long ang bagyo na isang “very significant disaster.”

Ani Long, ito ang unang major hurricane na mararanasan ng bansa mula ng hagupitin ni Hurricane Katrina ang bansa noong 2005 na kumitil sa buhay ng higit 1,800 katao.

Samantala, sa isang tweet, sinabi naman ni US President Donald Trump na seryoso niyang minomonitor ang sitwasyon at handang tumulong sa mga gobernadora ng mga estadong maaapektuhan kung kinakailangan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.