Pag-inhibit sa Kian slay case, OK lang kay Aguirre
Payag si Justice Secretary Vitaliano Aguirre II na mag-inhibit sa kaso ni Kian delos Santos, kung magiinhibit din umano si Sen. Risa Hontiveros.
Ito ay matapos ang naging panawagan ni Hontiveros na mag-inhibit si Aguirre, dahil sa pahayag nitong sinakyan lamang ng mga pulitiko ang pagkamatay ni Kian kaya ito lumaki.
Sagot naman ni Aguirre, dapat lang din na mag-inhibit si Hontiveros sa imbestigasyon ng Senado sa kaso ni Kian at iba pang kaso dahil sa kwestyunable rin aniya ang pagiging patas ng senadora.
Ayon kay Public Attorney’s Office (PAO) Chief Atty. Persida Acosta, hindi naman na kailangang mag-inhibit ni Aguirre dahil hindi naman ito kasama sa mga hahawak ng preliminary investigation ng kaso ni Kian.
Ang National Prosecution Service aniya ang may hurisdiksyon at siyang magdedesisyon kung may probable cause ba ang reklamo para dalhin sa korte.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.