3 hinihinalang NPA, patay sa engkwentro sa Pangasinan

By Kabie Aenlle August 26, 2017 - 04:36 AM

Nauwi sa pagkasawi ng tatlo katao na hinihinalang mga miyembro ng New People’s Army (NPA) ang engkwentrong naganap sa San Nicolas, Pangasinan.

Naganap ang engkwentro hapon ng Biyernes, nang magsagawa ng combat clearing operations ang Pangasinan Provincial Public Safety Company (PPSC), Regional Public Safety Battalion (RPSB) at iba pang tauhan ng Pangasinan Provincial Police Office (PPO) sa mga lugar ng Barangay Malico at Sta. Maria sa San Nicolas.

Ito’y dahil sa mga napaulat na presensya ng hindi natukoy na bilang ng mga armadong kalalakihan sa mga naturang lugar na pinangyarihan ng nauna pang engkwentro.

Wala namang nasugatan sa panig ng pamahalaan, at ipagpapatuloy pa nila ang hot pursuit operations kasama ang Armed Forces of the Philippines (AFP).

Narekober naman ng mga pulis ang isang improvised explosive device (IED), ignition switch, 9mm na pistol sub machinegun, dalawang rifle grenade, iba’t ibang uri ng bala at magazine, at dalawang cellphone.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.