Uber, balik operasyon kung makapagbabayad ng P190 milyon
Pinayagan ng Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) ang Uber na paiksiin ang suspension order laban dito, kapalit ng isang kondisyon.
Ito ay kung sakaling makapagbabayad ang transport network company ng multa na aabot sa 190 milyong piso.
Sa order na inilabas ng LTFRB sa media Biyernes ng gabi, ipinaliwanag ng ahensya na ibinase nila ang multa sa arawang kita ng Uber na papalo sa 7 hanggang 10 milyong piso at pinagseserbisyuhan ang humigit kumulang 150,000 katao kada araw.
Noong Agosto 14, inilabas ng LTFRB ang 1 month suspension laban sa Uber.
Dahil 11 araw na matapos maipatupad ang suspensyon, 19 na araw na lamang daw ang babayaran ng Uber kaya ito pumalo sa 190 milyong piso.
Taliwas ito sa naging unang alok ng Uber na 10 milyong piso kapalit ng pagtatanggal sa suspension order.
Hangga’t hindi nababayaran ng Uber ang multa sa gobyerno, tuloy umano ang pagbibigay nito ng financial assistance sa 36, 367 apektadong drivers nito na umaabot sa higit 19 na milyong piso kada araw.
Maari namang magbalik operasyon agad ang TNC sakaling mabayaran ang multa na mapupunta sa national treasury.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.