VP Binay, bubuuin na ang kanyang ‘Dream Team’

By Stanley Gajete September 04, 2015 - 04:44 AM

binay2Nagsisimula nang maghanay ng kasapi ng kanyang “dream team” Si Opposition standard-bearer at Vice President Jejomar Binay.

Ito ang sinabi ni Binay sa isang dialogue sa mga negosyante sa isang Wallace Business Forum na ginanap sa Makati Shangri-La Hotel.

Aniya, kailangang magmula sa kanyang hanay ang pinakamagagaling, at pinakamatatalinong mga lider sa kani-kanilang larangan, kasama ang malawak na karanasan sa serbisyo publiko.

Idinagdag pa niya na maaari din siyang kumuha sa mga datihan at batikan na sa larangan ng pulitika.

Binatikos din ng pangalawang pangulo ang pamamahala ni Pangulong Benigno Aquino III dahil aniya sa imbes na pinili nya ang mas may kakayahang mamuno, kaysa sa mga kaibigan niya at kaalyado mula sa Liberal Party (LP) ang ipinuwesto.

Dating miyembro ng gabinete si VP Binay ni Pangulong Aquino, bilang presidential adviser for overseas workers affairs, at pangkalahatang housing chief.

TAGS: 2016 elections, Vice President Jejomar Binay, 2016 elections, Vice President Jejomar Binay

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.