Bagyong Jolina, nag-landfall na sa Aurora
Tumama na sa kalupaan ng Casiguran, Aurora ang bagyong Jolina, alas 8:15 ng gabi ng Biyernes.
Batay sa weather bulletin ng PAGASA na inilabas alas 8:00 ng gabi, ang bagyo ay bahagyang bumagal at kumikilos na lamang ng 17 kilometers bawat oras.
Taglay pa rin nito ang lakas ng hangin na aabot sa 85 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 95 kilometers bawat oras.
Nakataas pa rin ang public storm warnings sa mga lalawigan na apektado ng bagyo.
SIGNAL #2:
- Isabela
- Aurora
- Quirino
- Kalinga
- Mountain Province
- Ifugao
- Ilocos Sur
- Benguet
- Abra
- La Union
- Nueva Vizcaya
SIGNAL #1:
- Cagayan
- Babuyan group of islands
- Apayao
- Ilocos Norte
- Nueva Ecija
- Pangasinan
- Northern Quezon
- Polillo island
- Camarines Norte
Bago pa man ang pag-landfall, nagpatupad na ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ng nationwide red alert status.
Ayon kay Mina Marasigan, tagapagsalita ng NDRRMC, ito ay para kumilos ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan at makaresponde kung kinakailangan.
Umaapela rin si Marasigan sa publiko na kung maari ay huwag nang matigas ang ulo at kapag pinalikas na ng lokal na pamahalaan ay sumunod na na lamang.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.