Bus, nahulog sa Black Sea sa Russia, 14 ang patay
Hindi bababa sa 14 na katao ang namatay sa southern Russia matapos mahulog ang bus sa Black Sea.
Sakay ng naturang bus ang mga construction worker na galing sa kanilang trabaho na pagbuo ng pier para sa Tamanneftegaz oil company sa Taman port nang maganap ang aksidente.
Ayon sa Investigative Committee ng Russia, bukod sa 14 na namatay ay maraming iba pa ang nasa malubhang kalagayan.
Naglunsad na ang nasabing komite para imbestigahan ang naging paglabag sa batas trapiko at ang hindi pagkakaroon ng ligtas na serbisyo.
Kaugnay nito, tinitingan din ang kondisyon ng bus ng maganap ang aksidente.
Una ng sinabi ni Krasnodar Region gGvernor Veniamin Kondratyev na nasa 35 katao ang lulan ng bus at nasa 20 na dito ang nailigtas habang taliwas naman ito sa ulat ng emergencies ministry na nasa 38 katao ang sakay ng bus at nasa 24 katao na ang nailigtas dito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.