Gilas Pilipinas, umabante sa finals sa SEA Games matapos talunin ang Singapore

By Dona Dominguez-Cargullo August 25, 2017 - 08:51 PM

Tiyak nang pasok sa finals ng men’s basketball sa Southeast Asian Games ang Gilas Pilipinas.

Ito ay makaraang talunin ng Gilas ang Singapore sa score na 68-60 sa kanilang laban sa semi finals.

Hihintayin na lamang ng Gilas kung sino ang mananalo sa paghaharap ng Thailand at Indonesia.

Lamang ang Pilipinas simula nang mag-umpisa ang laban pero bumaba sa lima lang ang abanteng puntos nito dahilan para magsanib pwersa sina Christian Standhardinger at Mike Tolomia sa huling limang minuto ng laban.

Ito na ang ikaapat na sunod na panalo ng basketball team ng Pilipinas sa SEA Games.

Dahil sa panalo, nagkaroon ang tsansa ang Gilas na makapag-uwi ng gintong medalya.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Gilas Pilipinas, Radyo Inquirer, sea games, sports, Gilas Pilipinas, Radyo Inquirer, sea games, sports

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.