May-ari ng Samsung, hinatulang makulong ng 5 taon ng South Korean court
Hinatulang guilty sa kasong korapsyon ang acting chairman ng Samsung na si Lee Jae-yong.
Ang kaso ay kaugnay sa naging papel Samsung sa kinsangkutang eskandalo ni dating South Korean President Park Guen-hye.
Sa pasya ng korte, hinatulan nitong mabilanggo ng limang taon si Lee na isang bilyonaryo at ikatlo sa pinakamayamang tao sa South Korea.
Base sa rekord ng kaso, si Lee ay nagbigay ng suhol bilang suporta kay Park noong presidente pa ito.
Inaasahan namang aapela ang kampo ni Lee sa naging pasya ng korte at maaring maiakyat sa supreme court ng South Korea ang kaso.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.