WATCH: Migrante, nagtirik ng kandila at nag-alay ng bulaklak sa lugar kung saan napatay si Kian Delos Santos
Nagtirik ng kandila at nag-alay ng bulaklak ang grupong Migrante sa lugar kung saan mismo napatay si Kian Loyd Delos Santos.
Ayon sa grupo, nakikidalamhati ang lahat ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) sa pamilya Delos Santos lalo na sa ina ni Kian na si Lorenzana, isang domestic worker sa Saudi Arabia.
Paliwanag nila, ang pamilya ni Lorenza ay naging pamilya na ng OFW at si Kian ay anak ng bawat OFW.
Dahil umano sa pagpatay sa binatilyo, mas napagtibay pa ang kanilang determinasyon na ipaglaban ang hustisya sa mga maliit na tao at mga mahihirap na nasasawi sa war vs drugs ng pamahalaan.
Narito ang report ni Mark Makalalad:
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.