Heavy rainfall warning, itinaas sa Metro Manila at mga kalapit na lalawigan

By Dona Domiguez-Cargullo August 25, 2017 - 06:24 PM

(UPDATE) Itinaas ng PAGASA ang heavy rainfall warning sa Metro Manila at mga kalapit na lalawigan dahil sa patuloy na pag-ulan na hatid ng Habagat na pinalalakas ng bagyong Jolina.

Sa abiso ng PAGASA, nakataas ang yellow warning sa Metro Manila, Bataan, Zambales, Cavite, Laguna, Rizal, Northern Quezon, Western portions ng Laguna at Batangas

Babala ng PAGASA, maaring makranas ng pagbaha sa mabababang lugar.

Samantala, light hanggang moderate na pag-ulan na kung minsan ay may malakas na buhos ng ulan ang nararanasan sa Nueva Ecija, Tarlac, Pampanga, Bulacan, nalalabing bahagi ng Laguna, Batangas at Quezon.

Inabisuhan ng PAGASA ang publiko na mag-antabay sa susunod nilang rainfall advisory mamayang alas 11:00 ng gabi.

 

 

 

 

 

 

TAGS: bataan, Bulacan, Cavite at Rizal, heavy rainfall warning, Metro Manila, pagasa, Pampanga, bataan, Bulacan, Cavite at Rizal, heavy rainfall warning, Metro Manila, pagasa, Pampanga

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.