Bagyong Jolina, napanatili ang lakas, tatama sa kalupaan ng Aurora ngayong gabi

By Dona Dominguez-Cargullo August 25, 2017 - 05:31 PM

Nagbabanta na sa lalawigan ng Aurora ang bagyong Jolina.

Napanatili ng tropical storm Jolina ang lakas nito at mamayang gabi sa pagitan ng alas 6:00 hanggang alas 10:00 ng gabi ay tatami ito sa kalupaan ng Aurora.

Ayon sa PAGASA, huling namataan ang bagyo sa 110 kilometers South ng Casiguran.

Taglay pa rin ng bagyo ang lakas ng hangin na aabot sa 80 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 95 kilometers bawat oras.

West Northwest pa rin ang direksyon ng bagyo sa bilis na 19 kilometers bawat oras.

Nakataas pa rin ang public storm warnings sa mga lalawigan na apektado ng bagyo.

SIGNAL #2:

  • Isabela
  • Aurora
  • Quirino
  • Kalinga
  • Mountain Province
  • Ifugao
  • Ilocos Sur
  • Benguet
  • Abra
  • La Union
  • Nueva Vizcaya

SIGNAL #1:

  • Cagayan
  • Babuyan group of islands
  • Apayao
  • Ilocos Norte
  • Nueva Ecija
  • Pangasinan
  • Northern Quezon
  • Polillo island
  • Camarines Norte

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Jolina, Pagasa, Radyo Inquirer, Tropical storm, weather in PH, Jolina, Pagasa, Radyo Inquirer, Tropical storm, weather in PH

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.