Mga bakanteng posisyon sa PNP, dapat nang mapunan ani Escudero

By Stanley Gajete September 04, 2015 - 04:39 AM

policeMay sapat na budget ang Philippine National Police (PNP) upang makapag-recruit ng mga bagong tauhan sa nasabing ahensya.

Sinabi ni Senator Francis Escudero na kinakailangang mapunan ang mga bakanteng posisyon sa PNP na may kabuuang bilang na 23,820.

Aniya, kung mapupunan ang mga bakanteng posisyon na ito, magiging sapat ang bilang ng mga traffic enforcers na magbibigay solusyon sa mga traffic condition sa iba’t ibang kalsada, hindi lamang sa Metro Manila, kundi sa buong bansa.

Hinikayat ng senador na mas paigtingin ng PNP ang pag enganyo sa mga indibidwal na maging bajagi ng kanilang ahensya, at upang malawak na maipatupad ang iba’t ibang regulasyon at batas upang maprotektahan ang kalagayan ng tao.

Nitong Lunes, inutos ni Pangulong NoyNoy Aquino III na maging bahagi ang ilang miyembro ng kapulisan sa PNP-Highway Patrol Group (PNP-HPG) upang mangasiwa sa traffic sa EDSA.

Kabilang sa anim na kalsadang binabantayan dulot ng matinding traffic ay ang Balintawak, Cubao, Ortigas Avenue, Shaw Boulevard, Guadalupe, at Taft Avenue.

Umapela naman ang Malakanyang sa mga motorista na bigyang pagkakataon ang mga pulis na magawa nila ang kanilang trabaho at responsibilidad sa kapakanan ng mga mamamayan.

Plano naman ng PNP na isulong ang paggamit ng bicycle sa ilang mga pulis na may malalaking katawan upang kontrolin at disiplinahin ang ilan sa mga drayber ng bus na lalabag sa mga batas trapiko.

Ayon kay PNP Chief Director Ricardo Marquez, makakatulong ang mga ganitong imahe upang madisiplina ang mga motorist sa EDSA.

Ito rin ay upang tumatak sa mga mamamayan na mahalaga ang batas trapiko na dapat ay sinusunod upang makabawas sa bigat ng trapiko sa mga pangunahing kalsada.

Bumibigat ang dalot ng trapiko sa mga spot o lugar kung saan nagbaba at nagsasakay ang mga pampasaherong sasakyan.

Dagdag ni Marquez, sisiguraduhin niyang malinis ang mga intersections, at walang counterflow na magaganap nang maiwasan ang mabigat na daloy ng sasakyan, sa tulong ng mga pulis.

Aniya, ang 96 na miyembro ng PNP-HPG ay nabigyan ng matinding gabay upang mabigyang direksyon ang mga bus, partikular na sa yellow lane.

Natuloy naman na makadalo sa crash course ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ukol sa mga batas trapiko ang mga miyembro ng PNP-HPG.

Sinabi naman ni Chief Supt. Arnold Gunnacao, HPG director na nakipag-ugnayan na sila sa Land Transportation Office (LTO) ukol sa mga resibo na ipapataw sa mga lumalabag sa batas trapiko.

TAGS: Philippine National Police, Philippine National Police

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.