Kaso ng pagpatay kay Kian Delos Santos, maituturing na murder ayon sa UN

By Rod Lagusad August 25, 2017 - 05:11 PM

Tinawag na murder ni United Nations Special Rapporteur Agnes Callamard ang pagkamatay ng 17 taong gulang na si Kian delos Santos, na namatay sa isinagawang illegal drug operation sa Caloocan City noong nakaraang linggo.

Ayon sa tweet ni Callamard, kanyang sinabi kay Pangulong Rodrigo Duterte na murder ang nasabing kaso.

Dapat na aniyang matagil ang lahat ng mga pagpatay at dapat ito ay maimbestigahan.

Sa isa pang tweet ni Callamard, kanyang sinabi na isang “massive, government-led, human rights crisis” ang autopsy results ni Delos Santos.

 

Naglunsad na ng imbestigasyon ang Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs na pinamumunuan ni Sen. Panfilo Lacson sa pagkamatay ni Delos Santos na nakita sa CCTV na hinihila ng mga pulis.

Kaugnay nito, itinanggi ng mga pulis na kabilang sa naturang operasyon na sina , PO3 Arnel Oares, PO1 Jeremiah Pereda at PO1 Jerwin Cruz na si delos Santos ang nasa CCTV.

Anila ito ay ang kanilang asset dahil pinipigilan nilang mabunyag ang cover nito.

Matatandaang una ng binatikos ni Callamard si Pangulong Duterte dahil sa giyera kontra droga ni Pangulong Rodrigo Duterte.

TAGS: agnes callamard, cctv, kian delos santos, PO1 Jeremiah Pereda, PO1 Jerwin Cruz, PO3 Arnel Oares, Rodrigo Duterte, Sen. Panfilo Lacson, United Nations Special Rapporteur, agnes callamard, cctv, kian delos santos, PO1 Jeremiah Pereda, PO1 Jerwin Cruz, PO3 Arnel Oares, Rodrigo Duterte, Sen. Panfilo Lacson, United Nations Special Rapporteur

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.