Maglalabas ang LTFRB ng memorandum circular upang magpataw ng mas mahigpit na parusa sa mga abusadong driver ng mga public utility vehiles.
Sa punong balitaan, sinabi ni LTFRB board member Atty. Aileen Lizada na nagpasaklolo na sila sa Land Transportation Office o (LTO) upang isapinal na ang bagong kautusan sa mas maghigpit na parusa sa mga pasaway na driver sa PUVs.
Sa unang paglabag, ay papatawan ng tatlong buwang suspensyon ang lisensya ng driver.
Anim na buwan sa ikalawang paglabag at sa ikatlong paglabag, babawiin na ang kanyang lisenya.
Paliwanag ni Lizada, kadalasan sa reklamo ng mga mananakay ng taxi ay ang pamimili at pangongontrata.
Habang ang ilang pambulikong sasakyan tulad ng jeep, bus at tnvs ay ang pagiging arogante at bastos.
Ayon sa LTFRB, ginawa ang hakbang, upang mapatino ang mga pasaway na tsuper sa mga pampublikong sasakyan.