Ilang dam, malapit nang umabot sa spilling level

By Mark Gene Makalalad August 25, 2017 - 04:17 PM

Dahil sa patuloy na pagbuhos ng ulan malapit nang umabbot sa spilling level ang ilang mga dam sa bansa.

Kabilang dito ang Ipo, Magat, Ambuklaw at Binga dam. Sa pinakahuling datos mula sa PAGASA, ang Ipo dam ay nasa 100.75 meters na o 25 milimeters na lang ang kulang at mapupuno na.

Ang Ambuklaw dam naman ay 10 milimeters na lang ang kulang bago umabot sa spilling level habang 15 milimeters naman ang kulang ng Binga dam.

Ligtas pa naman ang Pantabangan dam at malayo pa sa spilling level. Ang Magat dam naman ay 16 milimeters na lang ang kulang bago mapuno.

Sa sandaling magpakawala ng tubig ang Magat ay maaapektuhan ang Aurora at Cabanatuan. Kung ang Ipo dam naman ang magpakawala ng tubig, maaapektujan ang Norzagaray, Angat, Bustos at San Rafael, Bulacan.

TAGS: Ambuklao dam, Binga, dam, Ipo, Magat, Pagasa, Ambuklao dam, Binga, dam, Ipo, Magat, Pagasa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.