34 katao na kabilang sa nagkatay ng mga ibon sa Pampanga, negatibo sa bird flu

By Dona Dominguez-Cargullo August 25, 2017 - 03:46 PM

Nag-negatibo sa bird flu ang 34 na katao na kabilang sa mga nagsagawa ng pagkatay sa mga ibon na naapektuhan ng virus sa Pampanga.

Ayon kay Health Sec. Paulyn Ubial, kinailangang i-quarantine at suriin ang 34 na indibidwal makaraang makitaan ng sintomas ng flu.

Sinabi ni Ubial na agad silang isinailalim sa isolation bilang precautionary measures upang maawat ang posibilidad na human-to-human transmission ng sakit.

At base sa resulta ng pagsusuri ng RITM, negatibo lahat ang 34 sa H5N6. Sa 34 na katao, 30 ay mula sa Pampanga at 4 sa Nueva Ecija.

Bahagi sila ng 258 na katao na nagsagawa ng pagkatay sa 470,640 na ibon sa Pampanga.

Ang mga nagsagawa ng pagkatay sa mga ibon ay pawang poultry farmers at ang iba ay mga sundalo.

TAGS: Bird Flu, doh, Pampanga, Paulyn Ubial, Bird Flu, doh, Pampanga, Paulyn Ubial

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.