Regional offices ng NDRRMC, nasa red alert status na dahil sa bagyong Jolina

Itinaas na sa red alert status ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang kanilang ilang local offices.

Ito ay bilang paghahanda sa bagyong Jolina.

Ayon kay NDRRMC spokesperson Mina Marasigan, partikular na naka-red alert status ang Northern Luzon, Central Luzon, Cordillera Administrative Region at ang Bicol region.

Nasa blue alert status naman ngayon ang operation center ng NDRRMC.

Dahil dito, sinabi ni Marasigan na nakaalerto at nakaduty na ng 24/7 ang mga personnel ng iba’t ibang sangay ng pamahalaan katulad ng PAGASA, DILG, DSWD, DOH, BFP, AFP, PMP at Philippine Coast Guard.

Naka-preposition na rin aniya ang mga relief items at iba pang gamit sa central at field offices ng DSWD.

 


 

Read more...