Aguirre pinag-iinhibit sa kaso ng pagpatay kay Kian Delos Santos
Hiniling ni Senator Risa Hontiveros kay Department of Justice Sec. Vitaliano Aguirre II na mag-inhibit sa kasong may kaugnayan sa pagkamatay ng 17-anyos na si Kian Delos Santos.
Ayon kay Hontiveros, matapos ang mga ‘one-sided’ na pahayag ni Aguirre hindi ito dapat magkaroon ng personal na pangangasiwa sa imbestigasyon.
Sinabi ng senadora na may mga pahayag ang kalihim na mistulang nagpapakita ng pagiging bias niya sa insidente ng pagkasawi ng binatilyo.
Nawalan umano ng kredibilidad si Aguirre matapos maglabas ng “one-sided” statements sa pagdinig ng senado.
Una nang sinabi ni Aguirre na ‘blown out of proportion’ ng media at ilang pulitiko ang pagkamatay ni Kian.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.