Ayon kay Health Undersecretary Herminigildo Valle, napakababa ng tyansa na maipasa sa tao ang naturang strain ng bird flu.
Base aniya sa mga datos mula sa ibang mga bansa ay bilang na bilang lamang ang kaso ng human transmission ng H5N6.
Ipinaalala ni Valle na kailangang ipagpatuloy ng publiko na gawin ang kanilang paalala tulad ng paglulutong maigi ng mga ihahaing manok at iba pang poultry products, hindi pag e-expose ng sarili sa mga poultry farm sa mga lugar na nag-positibo sa bird flu, at agad na pagkonsulta sa experto sa oras na makaramdam ng flu upang hindi magkaroon ng human transmission.
Sa ngayon, mayroong labingapat na taong na-isolate ang DOH dahil sa pagpapakita ng sintomas ng flu, lahat naman ila ay nag-negatibo sa bird flu.
Ang pahayag ng DOH ay kasunod ng naging anunsyo ng Bureau of Animal Industry na maaaring maipasa sa tao ang H5N6.