outbrain

Matapos makumpirmang may N6 strain ang bird flu sa Pampanga, publiko pinakakalma ng DOH

By Erwin Aguilon August 25, 2017 - 02:24 PM SHARE(S):

Pinawi ng Department of Health (DOH) ang pangamba ng publiko kaugnay sa naitalang H5N6 strain ng bird flu na sa San Luis, Pampanga.

Ayon kay Health Undersecretary Herminigildo Valle, napakababa ng tyansa na maipasa sa tao ang naturang strain ng bird flu.

Base aniya sa mga datos mula sa ibang mga bansa ay bilang na bilang lamang ang kaso ng human transmission ng H5N6.

Ipinaalala ni Valle na kailangang ipagpatuloy ng publiko na gawin ang kanilang paalala tulad ng paglulutong maigi ng mga ihahaing manok at iba pang poultry products, hindi pag e-expose ng sarili sa mga poultry farm sa mga lugar na nag-positibo sa bird flu, at agad na pagkonsulta sa experto sa oras na makaramdam ng flu upang hindi magkaroon ng human transmission.

Sa ngayon, mayroong labingapat na taong na-isolate ang DOH dahil sa pagpapakita ng sintomas ng flu, lahat naman ila ay nag-negatibo sa bird flu.

Ang pahayag ng DOH ay kasunod ng naging anunsyo ng Bureau of Animal Industry na maaaring maipasa sa tao ang H5N6.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: avian flu, Bird Flu, doh, H5N6, avian flu, Bird Flu, doh, H5N6

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.