Patay sa bagyong Hato sa Macau at Hong Kong, 16 na
Umakyat na sa labinganim ang naitalang nasawi sa pananalasa ng Severe Typhoon Hato sa Macau at Hong Kong.
Walo sa mga nasawi ay mula sa gambling hub na Macau matapos na malubog sa tubig baha ang parking area ng mga casino doon.
May mga nasawi din na nabagsakan ng pader, nahulog mula sa ikaapat na palapag, at nabagsakan ng truck na pinatumba ng malakas na hangin.
Sa Hong Kong, itinaas ang highest storm warning signal na Typhoon 10 warning dahil sa nasabing bagyo.
Nagdulot ito ng pagkparalisa ng transportasyon sa Hong Kong at Macau.
Nawalan din ng kuryente at signal ang mga network company.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.