Isnilon Hapilon at magkapatid na Maute nasa loob pa ng main battle area sa Marawi ayon sa AFP

Joshua Morales | Radyo Inquirer correspondent

Malabo nang nakalabas sa Marawi City ang magkapatid na Abdullah at Omar Maute maging si Abu Sayyaf leader Isnilon Hapilon.

Paliwanag ni Armed Forces of the Philippines (AFP) spokesman Brig. General Restituto Padilla, bantay-sarado na ang lahat ng access point sa main battle area sa Marawi City.

Paniwala ni Padilla, buhay pa ang tatlong terorista at sa Marawi lamang nagtatago.

Hangga’t wala aniyang narerekober na bangkay ang militar o nakukuhang anumang ebidensya, patuloy ang presumption ng militar na buhay pa ang magkapatid na Maute at si Hapilon.

Matatandaang kahapon lamang nabawi na ng militar ang grand mosque pero wala namang naabutang mga terorista o bihag.

Una nang sinabi ni Task Force Ranao Deputy Commander Col. Romeo Brawner na ito ay maaring sa kadahilanang nag-reposition ng pwersa ang kalaban sa loob ng area kung kaya wala na ang mga terorista sa grand mosque.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...