Kaibigan, kapitbahay at kaanak, dumalo sa misa at ‘walk of justice’ para kay Kian Delos Santos

By Dona Dominguez-Cargullo August 25, 2017 - 11:32 AM

PDI Photo – Krixia Subingsubing

Dinaluhan ng mga kaibigan, kamag-anak at kapitbahay ang misa na idinas para kay Kian Delos Santos.

Bago ang misa na isinagawa sa Sta. Quiteria Church, nagtipon-tipon muna ang mga mahal sa buhay ni Kian na pawang nakasuot ng T-shirt na may nakasulat na ‘Justice for Kian’.

Nagsagawa sila ng protesta na tinawag nilang “Run Kian Run” walk of justice at naglibot sa Brgy. 160, sa Sta. Quiteria.

Pinangunahan ng ama ni Kian na si Saldy delos Santos ang protesta kasama si Fr. Robert Reyes.

Sa idinaos na misa, sinabi ni Fr. Reyes na ang mga tanong na dapat na masagot ay kung sino talaga sa mga pulis ang nakapatay kay Kian, at kung sino ang nagpapatay sa kaniya.

Matapos ang misa, nag-alay ng rap ang mga kaibigan ni Kian na personal nilang isinulat para sa yumaong teenager.

Si Lennard Macorol naman na bestfriend ni Kian, hindi napigilan ang pagbuhos ng emosyon nang magsalita siya sa simbahan.

Tanong ni Marocol, bakit ang mga pulis na iniidolo nila ni Kian ang sila pang pumatay sa kaniyang kaibigan.

 

 

 

 

 

TAGS: caloocan city, kian delos santos, Radyo Inquirer, War on drugs, caloocan city, kian delos santos, Radyo Inquirer, War on drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.