Black Friday protest, ikinasa bilang pagkondena sa extrajudicial killings
Ngayong bisperas ng libing ni Kian delos Santos, isinagawa ang mga protesta ang iba’t ibang grupo at organisasyon sa loob at labas ng Metro Manila gayundin sa ibang bansa bilang kanilang pananawagan na itigil ang extrajudicial killings sa bansa.
Pinangunahan ng Stop the Killings Network, Rise up for Rights and Life, Bayan and Migrante International ang Black Friday Protest.
Lumahok din sa protesta ang mga estudyante mula sa Eulogio Amang Rodriguez Institute of Science and Technology (EARIST), University of the Philippines-Manila, University of Sto. Tomas at Polytechnic University of the Philippines.
Bahagi rin ng programa ang noise Barrage sa Caloocan, Muntinlupa at Quezon City at candle-lighting sa Sta. Cruz Maynila.
Bukod sa Metro Manila, may parehong protesta din sa ilang probinsya gaya ng Rizal, Cabuyao, Lucena, Nueva Ecija, Cabanatuan, Cavite, Laguna, Cebu at Davao.
Ilang Filipino migrants organizations naman ang maglulunsad ng kanilang protesta at prayer vigil para kay Kian sa Hong Kong, Australia, USA, Canada, South Korea at Japan gamit ang #OFWsForKian campaign.
Ang protesta ay nagsimula alas 11:00 ng umaga at tatagal hanggang alas 6:00 ng gabi.
Bukas, araw ng Sabado, nakatakdang ihatid sa huling hantungan si Kian.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.