LOOK: Ilang lugar sa QC, Pasig at Caloocan maaapektuhan ng road reblocking
Maaapektuhan ng isasagawang road reblocking at repais ang ilang kalsada sa Quezon City, Pasig City at Caloocan City ngayong weekend.
Sa abiso ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), magsisimula ang maintenance work ng Department of Public Works and Highways (DPWH) alas 11:00 ng gabi ng Biyernes, August 25 at tatagal hanggang alas 5:00 ng umaga ng August 28 araw ng Lunes.
Kabilang sa apektado ang mga sumusunod na lansangan:
NORTHBOUND
- EDSA bago ang North Avenue, Quezon City (2nd lane)
- Mindanao Avenue bago mag-Sauyo Road, Quezon City (2nd lane)
- P. Garcia Avenue mula Ginhawa Street hanggang Katipunan Avenue, Quezon City (4th lane)
- MacArthur highway malapit sa Monumento Circle, Caloocan City
SOUTHBOUND
- Bonifacio Avenue sa pagitan ng Mauban Street to Dome Street, Quezon City (2nd lane)
- Rodriguez Jr. Avenue bago mag-Green Meadows, Quezon City (truck lane)
- Rodriguez Jr. Avenue makalagpas ng Boni Serrano flyover, Quezon City (truck lane)
- C5 road malapit sa Julia Vargas, Pasig City
Abiso ng MMDA sa mga motorista, isasara ang nabanggit na mga kalsada kaya asahan ang pagsisikip sa daloy ng traffic sa mga apektadong lugar ngayong weekend.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.