Bagyong Jolina lalakas pa, tatama sa kalupaan ng Isabela – Aurora area

Posibleng tumama sa kalupaan ng Isabela – Aurora area ang tropical storm Jolina mamayang gabi.

Sa 8AM weather bulletin ng PAGASA, ang bagyo ay huling namataan ng 275 kilometers East Southeast ng Casiguran, Aurora.

Napanatili ng bagyo ang lakas nito na 65 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 80 kilometers bawat oras.

Sa pagtama sa kalupaan ng Isabela-Aurora area mamayang gabi, sinabi ng PAGASA na mahahagip ng rainband nito ang Metro Manila.

Nananatili namang nakataas ang public storm warning signals sa maraming lalawigan.

SIGNAL NUMBER 2
Isabela
Northern Aurora
Quirino
Kalinga
Mountain Province
Ifugao
Nueva Vizcaya

SIGNAL NUMBER 1
Cagayan
Babuyan group of islands
Apayao
Ilocos Norte
Ilocos Sur
Abra
La Union
Benguet
nalalabing bahagi ng Aurora
Nueva Ecija
Pangasinan
Northern Quezon
Polillo island
Catanduanes
Camarines Norte
Camarines Sur

 

 

 

 

 

Read more...