WATCH: Pagpatay sa isang barangay treasurer sa Maynila nakuhanan ng CCTV

Kuha ni Cyrille Cupino

Patay ang isang barangay treasurer matapos tambangan sa kanto ng Maria Luisa at Luzon, Brgy. 567, Sampaloc, Maynila.

Kinilala ang biktima na Jose ‘Pepe’ Macaranas, treasurer at dating kagawad ng naturang barangay.

Nakunan din sa CCTV ang mismong pamamaril ng dalawang suspek na sakay ng motorsiklo.

Makikitang nilapitan ng mga suspect si Macaranas habang nakikipag-kwentuhan ito sa kanilang barangay secretary saka pinagbabaril.

Matapos ang pamamaril, kaagad na tumakas ang mga suspect.

Dinala pa sa United Doctors Medical Center ang biktima, pero binawian rin ng buhay matapos magtamo ng mga tama ng bala sa likod at batok.

Ayon naman sa pamilya ng biktima, walang silang alam na kaaway ni Macaranas at hindi rin ito sangkot sa mga iligal na gawain.

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya upang malaman ang motibo at kung sino ang nasa likod ng nasabing krimen.

 

 

 

Read more...