WATCH: Lalaking lango umano sa droga, nang-hostage sa Quezon City

By Jong Manlapaz August 25, 2017 - 06:50 AM

Kuha ni Jong Manlapaz

Nabulabog ang mga namamalengke sa Muñoz Market sa Quezon City makaraang mang-hostage ang isang lalaki na armado ng patalim.

Lango umano sa ipinagbabawal na gamot ang hostage taker na una nang biniktima at tinangkang i-hostage ang kaniyang mag-ina.

Nang dumating sa Muñoz Market, ang tindero na nakilala lamang na si “Jerry” ang tinutukan ng patalim ng suspek.

Ayon sa mga nagtitinda sa palengke, alas 11:00 ng gabi nang dumating sa palengke ang suspek mula sa Project 8.

Kinausap pa ito ni Jerry na nag-alok na sasamahang tumawid para makauwi pero hinostage na siya ng suspek.

Matagumpay na nailigtas ng mga otoridad ang biktima nang unti-unti nilang malapitan ang suspek habang kinakausap ito ng mga kaanak.

Nagtamo ng sugat sa katawan ang biktima matapos maundayan pa ng saksak ng suspek.

Habang arestado naman ang salarin.

Walang malinaw na dahilan kung bakit nang-hostage ang suspek, pero ayon sa mga kaanak mismo nito, lango siya sa ipinagbabawal na gamot.

Nakita rin umano itong balisa at sinabing mayroong humahabol sa kaniya at gusto siyang patayin.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: hostage incident, hostage taking, Radyo Inquirer, hostage incident, hostage taking, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.