Bagyong Jolina, lumakas pa, public storm warning signal nakataas sa 23 lugar sa bansa

Lumakas pa ang bagyong Jolina at ngayon ay isa nang tropical storm.

Ayon sa Pagasa ang bagyo ay huling namataan sa 300 kilometers East Southeast ng Casiguran, Aurora.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 65 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 80 kilometers bawat oras.

Kumikilos ang bagyo sa direksyong west northwest sa bilis na 19 kilometers bawat oras.

Dahil sa nasabing bagyo, itinaas na ng Pagasa ang public storm warning signal sa mga sumusunod na lugar:

SIGNAL NUMBER 1
Isabela
Northern Aurora
Quirino
Kalinga
Mountain Province
Ifugao
Nueva Vizcaya

SIGNAL NUMBER 2
Cagayan
Babuyan group of islands
Apayao
Ilocos Norte
Ilocos Sur
Abra
La Union
Benguet
nalalabing bahagi ng Aurora
Nueva Ecija
Pangasinan
Northern Quezon
Polillo island
Catanduanes
Camarines Norte
Camarines Sur

Sa rainfall advisory ng Pagasa, simula bago mag alas singko ng umaga, katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan na ang nararanasan sa Catanduanes, Camarines Sur, Camarines Norte, Albay, Sorsogon, Romblon, Marindue, Masbate, Burias at Ticao Islands dahil sa bagyong Jolina.

 

 

 

 

Read more...