“Malinaw ang konsensya ko” – Sereno

By Rhommel Balasbas August 25, 2017 - 04:21 AM

Hindi apektado si Chief Justice Sereno sa mga naging pasaring ni Pangulong Duterte sa isang talumpati nito sa Malacañang ukol sa isang opisyal ng pamahalaan na nabubuhay umano ng marangya.

Sa pahayag ng punong mahistrado sa isang event na inorganisa ng University of San Carlos at ng Supreme Court, sinabi ni Sereno na hindi siya apektado dahil hindi naman nagbanggit ang pangulo ng pangalan.

Wala anyang epekto sa propesyonal at personal na buhay ni Sereno ang mga patutsada ng Pangulo at iginiit na wala siyang ginagawang masama at malinis ang kanyang konsensya.

Sa isang talumpati sa Malacañang, nagpasaring si Duterte sa isang opisyal na anya ay sumasakay sa first class seats tuwing lalabas ng bansa at nagpapabook sa mga mamahaling presidential suites.

Matatandaan na isa sa mga impeachment complaints na inihain laban kay Sereno ay dahil sa akusasyong marangya ang pamumuhay nito.

Ito ay inihain ni Atty. Larry Gadon na inaakusahan ang punong mahistrado na mayroong itong sports car na aabot sa 4.5 milyon hanggang 5.1 milyon ang halaga.

Inaakusahan din ni Gadon si Sereno na gumamit ng pera ng gobyerno sa pagpapabook ng isang presidential suite sa isang 5-star hotel sa Boracay.

Iginiit naman ni Sereno na hindi sila pinagbayad ng hotel management dahil ginagamit ang suite para i-accommodate ang mga chief justice mula sa mga bansang miyembro ng ASEAN.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.