Peter Lim, humarap sa DOJ para igiit na siya ay inosente
Personal na humarap ang negosyanteng si Peter Lim sa Department of Justice (DOJ) para isumite ang kaniyang tugon sa kasong kinasasangkutan niya na may kinalaman sa iligal na droga.
Matatandaang kinasuhan si Lim dahil siya umano ang supplier ng iligal na droga ni self-confessed drug lord Kerwin Espinosa.
Kasama ni Lim na tumungo sa DOJ ang kaniyang mga abogado para pagtibayin ang kaniyang kontra-salaysay, kung saan itinanggi niya ang akusasyon sa kaniya ng pulisya.
Hindi sana personal na susulpot kahapon si Lim sa DOJ dahil sa mga kadahilanang pang-seguridad, ngunit napilitan din siya dahil hindi tinanggap ng panel ng DOJ ang kaniyang counter affidavit na ipinadala niya lang sa kaniyang mga abogado.
Iginiit kasi ng panel na kailangang personal na humarap ng respondent sa prosecutor para pagtibayin ang kaniyang kontra-salaysay para sa preliminary investigation.
Samantala, iginiit naman ni Lim na siya ay inosente.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.