Dela Rosa: Hindi takot sa amin ang mga tao

 

Hindi kinakagat ni Philippine National Police (PNP) chief Director Gen. Ronald dela Rosa ang mga surveys na natatakot na umano ang mga tao sa mga pulis dahil sa pagdami ng kaso ng patayan.

Ayon kasi kay Sen. Miguel Zubiri, may mga survey na nagsasabing siyam sa bawat sampung Pilipino ay natatakot na baka sila naman ang sunod na mabiktima ng pagpatay ng mga pulis.

Dahil dito, ipinunto ni Dela Rosa na kung tunay ngang takot na ang mga tao sa mga pulis, marahil ay hindi na mainit ang pagtanggap sa kaniya ng mga tao.

Ani Dela Rosa, kung galit aniya ang mga tao sa drug war, hindi siya yayakapin o hahalikan ng mga tao tuwing siya ay nakikita, bagkus ay baka binubulyawan na siya ng mga ito at sinisisi sa pagkasawi ng kanilang mga kakilala.

Wala naman nang naging karagdagang tanong si Zubiri matapos ang naging tugon ni Dela Rosa.

Read more...