Ayon sa 2017 list, lumobo sa 18 bilyong dolyar ang net worth ni Henry Sy Sr., ang may-ari ng SM Investments Corporation.
Mas malaki ito ng 4.3 bilyong dolyar mula sa kanyang net worth noong 2016 na aabot sa 13.7 bilyong dolyar.
Ang net worth ni Sy ay tatlong beses na mas malaki sa net worth ng pangalawa sa listahan na si John Gokongwei na may-ari ng Robinsons Malls at Cebu Pacific na aabot sa 5.5 bilyong dolyar.
Samantala, umakyat sa pangatlo si Enrique Razon Jr, may-ari ng Solaire Resort and Casino at itinuturing na isa sa mga pinakabatang bilyonaryo sa buong mundo ayon pa rin sa Forbes.
Ang cumulative net worth ng 50 pinakamayayaman sa Pilipinas ay katumbas ng 24.24% ng gross domestic product ng bansa noong nakaraang taon na aabot sa 304.9 bilyong dolyar.