Pagkamatay ng mga manok sa Dumaguete, sinisiyasat na

By Kabie Aenlle August 25, 2017 - 04:15 AM

 

Inquirer File Photo

Iniimbestigahan na ang pagkamatay ng 32 mga manok sa apat na manukan sa Brgy. Talay, Dumaguete City sa Negros Oriental noong nakaraang linggo.

Ayon sa city veterinarian ng Dumaguete na si Dr. Lourdes Socorro, kinolekta na nila ang mga blood samples at cloacal swabs mula sa mga manok, na isusumite naman nila sa laboratoryo ng Department of Agriculture sa Dumaguete City.

Sa panayam pa sa kaniya ng Inquirer, sinabi ni Socorro na lahat ng mga pagkamatay ng mga ibon ay ikinukonsidera na agad bilang kaso ng bird flu.

Gayunman, ani Socorro ay hindi naman sila maaring makabuo agad ng conclusions sa ngayon at dapat muna itong isailalim sa laboratory diagnosis.

Kabilang sa mga nasawi ay 12 panabong na manok at 20 na native na manok.

Hindi naman aniya nila ipinapasawalang bahala ang posibilidad na nasawi ang mga manok dahil lang sa simpleng respiratory issues o bronchitis dahil sa pabago-bagong panahon.

Sa kanilang lugar aniya ay mayroon na ring mga kaso ng sakit ng manok na posible ring ikamatay ng mga ito.

Noong nakaraang taon din aniya kasi ay may mga namatay na manok sa Barangay Talay, pero hindi naman dahil sa bird flu kundi dahil sa mga pangkaraniwang sakit ng mga manok.

Pinayuhan naman niya ang publiko na huwag munang mataranta at hintayin munang lumabas ang resulta ng mga laboratory tests.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.