Hinihinalang holdaper, patay sa engkwentro sa Makati

 

Kuha ni Cyrille Cupino

Patay ang isang hinihinalang holdaper sa engkwentro laban sa mga pulis sa Makati City.

Ayon kay SPD director Sr. Supt. Tomas Apolinario, nanlaban umano ang suspect na sakay ng motorsiklo nang makorner ng mga pulis sa bahagi ng South Super Highway sa Magallanes.

Bago ang engkwentro, may hinoldap umano ang suspect sa area ng Malibay, Pasay.

Agad nakahingi ng tulong ang biktima at hinabol ng mga pulis ang suspect.

Dead on the spot ang hindi pa nakikialalang suspect na nagtamo ng mga tama sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Isang miyembro naman ng pulis-Pasay ang nasugatan sa engkwentro matapos tamaan ng bala sa tiyan.

Dinala na sa Pasay General Hospital si PO2 Jerry Gubail na stable na ngayon ang kundisyon.

Nagpapatuloy ang imbestigasyon pulisya sa insidente.

Read more...