Pangulong Duterte, muling bumisita sa Marawi City

Courtesy of Sec. Bong Go

Muling dumalaw si Pangulog Rodrigo Duterte sa Marawi City

Ito ang kanyang ikatlong pagkakataon na makatungo sa siyudad.

Sa mga litratong ipinost sa social media ni Special Assistant to the President Sec. Bong Go, makikitang naka-full battle gear si Duterte.

Batay sa impormasyon mula sa Malakanyang, dumating si Duterte sa Marawi City dakong alas-kwatro ng hapon.

Courtesy of Sec. Bong Go

Mahigit isang oras si Duterte sa loob ng Marawi City, na hanggang ngayon ay may nagaganap na bakbakan sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at Maute terror group.

Ininspeksyon ng presidente ang battle field, kinausap ang mga sundalo at pulis doon at namigay ng financial assistance, mga food pack at mga relo.

Bukod kay Sec. Go, kasama ni Duterte na umikot sa Marawi City sina National Security Adviser Hermogenes Esperon at AFP Chief of Staff Eduardo Año.

Noong Hulyo, bumisita na si Duterte sa Marawi City upang personal na makita ang sitwasyon sa lugar na sinalakay ng mga terorista simula noong Mayo.

 

Read more...