6 na Commissioner ng Comelec, unang makakaalam kapag nag-leave o nagbitiw na si Bautista

By Khyz Soberano August 24, 2017 - 08:38 PM

Ipinahayag ni Commission on Elections Chairman Andres Bautista na ang anim na Commissioners ng kanyang kawanihan ang unang makakaalam sa sandaling mag-file ito ng leave of absence o mag-resign.

Ito ay matapos himukin ng anim na Comelec Commissioners na ikonsidera niya ang mga hakbang na ito sa ginawa nilang pulong balitaan kaninang hapon sa Sulo Hotel sa Quezon City.

Sa maikling pahayag ni Bautista, kasama na rin umano sa kanyang mga kinukunsiderang desisyon ang pagpa-file ng leave of absence o pagre-resign sa pwesto.

Ipinagdarasal pa umano niya ang nararapat gawin sa kabila ng kanyang mga hinaharap.

Kanina nanawagan ang anim na Commissioners kay Bautista sa kabila ng impeachment complaint at akusasyon ng kanyang asawa sa umano’y nakaw na yaman nito.

TAGS: Chairman Andres Bautista, comelec, Impeachment complaint, Chairman Andres Bautista, comelec, Impeachment complaint

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.