Alas dose bente singko nang magsimula ang apoy, mula sa bahay ng isang Raul Delejero na nakatirik sa loob ng compound kung saan naninirahan ang mga trabahador ng InterRoyal na isang construction company.
Gawa sa light materials ang mga kabahayan sa loob ng compound kaya mabilis na kumalat ang apoy.
Samantala, habang inaapula ng mga bombero ang sunog sa naturang lugar ay sumiklab naman ang apoy sa bahay nina Rupina at Solis Llanto sa Piguracion Street, Lower Bicutan. Umabot ito sa second alarm.
Ayon sa isang kapitbahay na si Joselita Tabangcura, nagsimula ang apoy sa naiwang siga.
Wala namang nasaktan sa naturang sunog na umabot pa sa katabing bahay. Namatay naman ang labing apat na mga baboy na inaalagaan ng mag-asawang Llanto. Isinugod rin sa ospital si Rupina, matapos nitong himatayin.
Kapwa nang idineklarang fire out ang dalawang sunog.