WATCH: Dalawang sunog, sumiklab sa Western at Lower Bicutan sa Taguig

By Justinne Punsalang August 24, 2017 - 06:40 PM

Umabot sa third alarm ang sunog na sumiklab sa Sampaguita Street sa Western Bicutan, Taguig.

Alas dose bente singko nang magsimula ang apoy, mula sa bahay ng isang Raul Delejero na nakatirik sa loob ng compound kung saan naninirahan ang mga trabahador ng InterRoyal na isang construction company.

Gawa sa light materials ang mga kabahayan sa loob ng compound kaya mabilis na kumalat ang apoy.

Samantala, habang inaapula ng mga bombero ang sunog sa naturang lugar ay sumiklab naman ang apoy sa bahay nina Rupina at Solis Llanto sa Piguracion Street, Lower Bicutan. Umabot ito sa second alarm.

Ayon sa isang kapitbahay na si Joselita Tabangcura, nagsimula ang apoy sa naiwang siga.

Wala namang nasaktan sa naturang sunog na umabot pa sa katabing bahay. Namatay naman ang labing apat na mga baboy na inaalagaan ng mag-asawang Llanto. Isinugod rin sa ospital si Rupina, matapos nitong himatayin.

Kapwa nang idineklarang fire out ang dalawang sunog.

TAGS: sunog, Taguig City, sunog, Taguig City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.