BOC, inaming nagkamali sa pagsingil ng tax sa Championship belt ni Jujeath Nagaowa

By Chona Yu September 03, 2015 - 07:28 PM

 

beltInamin ni Customs Commissioner Bert Lina na nagkamali ang kanilang hanay nang singilin ng buwis ang Championship belt na inuwi sa Pilipinas ng isang Filipina boxer at Mixed Martial Arts Fighter na si Jujeath Nagaowa.

Sa pagdalo ni Lina sa hearing ng Senate Ways and Means Committee hearing na pinamumunuan ni Sen. Sonny Angara, aminado si Lina na mali sila sa ginawang paniningil ng buwis sa champion MMA fighter.

Ngunit iginiit ni Lina na isolated case daw ito dahil wala sa pangalan ng boxer ang belt.

Pinatitiyak naman ni Angara kay Lina na hindi na mauulit ang kahalintulad na pangyayari at sa halip ay gabayan ang mga atletang Pinoy na agad namang tinugunan ng Customs official.

Si Nagaowa ay nagwagi sa International Light Flyweight Title sa Women’s IBA sa China kamakailan.

Gayunman nang kanyang ipadala ang belt mula China tungo dito sa Pilipinas, siningil ang kampeon ng halos anim na libong piso bilang tax ng BOC.

 

TAGS: Bureau of Customs, Bureau of Customs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.