Nagpahiwatig si Vice President Jejomar Binay na posibleng si dating Pangulo at ngayon ay Manila Mayor Joseph Estrada ang maging running mate niya sa 2016 elections.
Noong 2010, naging running mate na ang dalawa pero si Erap bilang Pangulo at si Binay bilang Bise Presidente kung saan nanalo nga si Binay laban kay Interior Sec. Mar Roxas at natalo naman si Erap kay Pangulong Noynoy Aquino.
Sa report ng Inquirer.net, sinabi pa ni Binay na sakaling matuloy ang kanilang tandem, tatawagin silang BEST o Binay-ESTrada.
“Hindi na Erap-Binay, Binay-Erap na. ‘Yun, ang tawag doon “BEST”. Alam mo anong “BEST”? BINAY-ESTRADA,” ayon kay Binay sa panayam sa kaniya sa Biliran.
Sinabi ni BInay na nagkaroon sila ng pag-uusap ni Estrada noong May 31, pero hindi pa aniya napag-usapan doon ang posibleng team up nila sa 2016 elections.
Nang tanungin kung isa ba si Estrada sa mga ikinokonsidera niyang maging running mate, sumagot si Binay ng “Oo”. Ayon kay Binay, sa tingin niya ay positibo naman si Estrada sa ideya na tumakbong Bise Presidente niya./ Dona Dominguez-Cargullo
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.