China hindi nagtayo ng bandila sa isa sa mga isla sa WPS ayon sa Malacañang

By Rohanissa Abbas August 24, 2017 - 04:52 PM

Pinabulaanan ng Malacañang ang ulat na nagtayo umano ng bandila ang China sa Kota Island sa West Philippine Sea.

Ayon kay Presidential spokesperson Ernesto Abella, sinabi ng kanyang source na hindi niya tinukoy na walang bandila ng China sa lugar sa ngayon.

Aniya, maraming dumaraan sa bahagi ng Kota Island, at may mga barko rin ang humihinto sa lugar.

Dagdag ni Abella, hindi military vessels ang mga ito kundi mga maritime ships pero hindipa tiyak kung saan rehistrado ang mga ito.

Una nang ipinahayag ni Magdalo Partylist Representative Gary Alejano na itinayo ang bandila ng China sa Kota Island sa West Philippine Sea.

TAGS: abella, alejano, Cong. Gary Alejano, kota island, West Philippine Sea, abella, alejano, Cong. Gary Alejano, kota island, West Philippine Sea

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.