WATCH: Virus na tumama sa Pampanga, positibo sa N6 strain na naipapasa sa tao
Kinumpirma nang Department of Agriculture (DA) na positibo sa H5N6 ang virus na tumama sa mga poultry farm sa Pampanga.
Ayon kay Arlene Vitiaco ng Bureau of Animal Industry (BAI), makaraang makakuha ng sapat na specimen mula sa mga manok na may virus, sinabi ng Australian Laboratory na N6 ang strain na mayroon ngayon sa Pilipinas.
Ibig sabihin, maaring itong makahawa sa mga tao at mayroong banta sa kalusugan.
Gayunman, sinabi ng DA na very low ang mortality rate nito at sa katunayan nga ayon sa World Health Organization ay nasa 20 katao lamang sa buong mundo ang namatay dito.
Samantala, tiniyak naman ng DA na lugtas pa rin kainin ang mga manok na binibenta sa palengke at nakikipagugnayan na rin sila sa Department of health kaugnay dito.
BREAKING: DA says bird flu strain confirmed to be H5N6 I @dzIQ990 pic.twitter.com/zNX3uVcJqo
— Mark Makalalad (@MMakalaladINQ) August 24, 2017
DA: Nakahahawa sa tao ang H5N6 sa tao pero mababa lang ang mortality rate nito I @dzIQ990 pic.twitter.com/HnGeZTG3xE
— Mark Makalalad (@MMakalaladINQ) August 24, 2017
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.