Trapiko sa Metro Manila, lumuwag ng kaunti dahil sa Uber suspension, ayon sa MMDA chair

By Isa Avendaño-Umali August 24, 2017 - 12:43 PM

Lumuwag kahit papaano ang daloy ng trapiko sa Kalakhang Maynila dahil sa pagkakasuspinde ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB sa ride sharing service na Uber Philippines.

Sa briefing sa Malakanyang, sinabi ni Metropolitan Manila Development Authority o MMDA chairman Danilo Lim na sa kanyang tantya, nasa limang porsyento ang nabawas sa traffic sa Metro Manila.

Malala pa rin aniya ang trapiko dahil marami talagang mga sasakyan subalit batay sa Metro Base at mukhang nakatulong ang suspensyon ng LTFRB sa Uber.

Pinatawan ng LTFRB ng isang buwang suspensyon ang Uber dahil sa paglabag sa moratorium sa pag-acredit ng mga bagong driver.

Nag-alok ang Uber ng sampung milyong piso para i-lift ang suspensyon, lalo’t apektado raw ang marami sa kanilang mga mananakay at mga tsuper.

Samantala, nirerespeto ni Lim ang pahayag ni LTFRB Chairman Martin Delgra na kailangang dagdagan ang bilang ng taxi na umiikot sa Metro Manila upang matugunan ang pangangailangan o ang demand sa public transport.

Ayon kay Lim, walang masama sa panukalang ng LTFRB pero kailangan aniya ay sumunod ang mga pampublikong sasakyan sa mga batas.

 

 

 

 

TAGS: Metro Manila, mmda, traffic, Metro Manila, mmda, traffic

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.