Faeldon: Tinangka akong suhulan ng P300,000 kada linggo
Kinumpirma ni dating Customs Commissioner Nicanor Faeldon na isang importer ang nag-alok sa kaniya noon ng lingguhang suhol na P300,000.
Pero ayon sa kaniya, tinanggihan niya ito.
Aniya, noong pag-upo niya sa pwesto, nakatanggap siya ng text message at inaalok siya ng P300,000 kada linggo na suhol mula sa isang importer.
Nireplyan niya umano ito at sinabing hindi siya tumatanggap ng anumang ‘regalo’.
Sagot iton ni Faeldon sa pahayag ni Senator Panfilo Lacson na tumanggap siya ng P100 million na welcome gift nang siya ay naitalaga sa Customs noong nakaraang taon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.