Ayon kay DFA Sec. Alan Peter Cayetano, base ito sa inisyal na impormasyon na ipinadala sa kanya nina consul general Lilibeth Deapera ng Philippine Consulate sa Macau at Consul General Roderico Atienza ng Philippine Consulate sa Hong Hong.
Aniya patuloy pa rin ang monitoring nina Deapera at Atienza sa sitwasyon.
Nabatid na may mahigit 211,000 Filipino sa Hong Hong, samantalang 30,000 naman sa Macau.
Kasabay nito, nagpaabot na rin si Cayetano ng kanyang pakikiramay sa naulila ng mga nasawi at mga nasugatan sa pananalasa ng bagyong Hato sa dalawang Chinese territories.
Huling itinaas ng Hong Kong Observatory ang storm signal number 10 noong 2012 at ito pa lang ang pangatlong pagtataas ng highest storm alert sa special administrative region simula noong 1997.