Mayweather-McGregor fight, magiging boring ayon kay Pacquiao
Boring umano ang magiging takbo ng laban nina Floyd Mayweather Jr. at Conor McGregor.
Ito ang sinabi ni Senator Manny Pacquiao.
Ayon kay Pacquiao, tiyak kasing magtatatakbo lang ang dalawa at sa huli si Mayweather ang idedeklarang panalo.
Ang laban nina Mayweather at McGregor ay magaganap sa Las Vegas, Nevada, sa Linggo ng umaga oras sa Pilipinas.
Magugunitang natalo si Pacquiao kay Mayweather via unanimous decision noong May 2015.
Nananatiling malinis ang record ni Mayweather na mayroong 49 na panalo at walang talo.
Habang ang Irish MMA fighter na si McGregor ay mayroong 23 panalo at 3 talo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.